![]() |
|
|
Sa Mga Minamahal na Komikero, Kapag kayo ay nilapitan ng isang tao sa pangalan na Rick Olney, o kinatawan ng tao na ito, o kayo ay nilapitan ni Olney o kahit sinong kinatawan ng "The Mighty Mini-Con", "Tight Lip Entertainment" o "ORCA", lubos namin kayong hinihikayat na tumakbo papalayo. Mayroong napakahaba at dokumentadong kasaysayan ng hindi pagbabayad, panloloko, pagmamanipula ng damdamin, at pandaraya na nakaugnay sa tao na ito at sa kanyang mga proyekto. Sa kabila nang paghahanap at pambublikong paanyaya ng mahigit na tatlong buwan, walang Komikero ang makapagbigay ng katibayan na nabayaran ng buo para sa kanilang trabaho para sa Tightlip. Maraming batikang Komikero na sumali sa mga convention ni Olney ang napangakuan ng bayad para sa kanilang mga gastos. Bagama't ang iba ay nabigyan ng matutuluyan, walang nakatanggap ng buong kabayaran para sa gastos sa paglakbay at pagkain. Ang katunayan pa nito, ang may mga naglakas ng loob magusisa ng kabayaran ay sinuklian ng mabangis na pamemersonal na atake. Sa karagdagan, si Mr. Olney ay may kilalang ugali na paiba iba at hindi propesyonal sa mga message forums at mailing lists sa Internet, kung saan marami sa kanila ang nagpasya nang ipagbawal syang papasukin. Ito ay sa karagdagang dahilan na sya ay madalas magbigay ng mga racist, sexist at homophobic na pananalita, pati na rin ang pagtapon ng mababangis na sagot sa mga matitinong tanong ukol sa kanyang pamamaraan ng negosyo. Sa pagkakaalam namin, halos lahat ng nagkaroon ng ugnayang propesyonal sa TightLip, the Mighty Mini-Con, o kay Rick Olney, ay may kahindik-hindik at kabaga-bagabag na kwentong panlilinlang, pandaraya at panggagamit. Makakakita kayo ng karagdagang kaalaman dito: http://www.unscrewedcomic.com/ Huwag n'yong ni subukang makipag ugnayan kay Rick Olney. At kung maaari, pakipasa itong babala na ito sa lahat ng Komikero, mga gustong maging Komikero, negosyante at exhibitors sa komiks, media at kahit sino mang mahilig sa komiks na kilala nyo. Makipag-ugyanan kay Rick Olney na may kamalayan sa peligro. Hindi namin sana gusto ipahayag ito sa publiko, ngunit sa kahadahilanang si Rick Olney ay nagpapatalastas ng pagsasa-ayos ng panibagong convention at nagbabalak maglabas ng bagong komiks, ang pangkalahatang kabutihan ang nagudyok sa aming magsalita. Puntahan n'yo ang aming website. Salamat sa inyong pansin. Ang lumagda: Shelly Kennedy, Webmaster Unscrewed!
|